
Trending at may at least 1 million views na ang audition video nina Kyline Alcantara at Melbelline Caluag bilang sina Elsa at Melody sa March 5 episode ng Inagaw Na Bituin.
Napukaw nina Kyline at Melbelline ang atensyon ng netizens sa kanilang duet ng “Sa Lahat ng Iba,” ang theme song ng GMA drama na Ika-6 Na Utos at kanilang audition piece sa Inagaw Na Bituin.
As of writing, ang kanilang video ay may 1 million views, 18,000 reactions at higit 1,600 shares na sa Facebook.
Samantala, patuloy ang pagtaas ng parehong video sa trending list ng YouTube. Sa kasalukuyan ay nasa top 6 spot ito.
Umani rin ng papuri sina Kyline at Melbelline mula sa netizens.