
Masuwerte kung ituring ni Marvin Agustin ang kanyang sarili kahit na namaalam na ang kanyang karakter bilang Eduard sa Inagaw Na Bituin.
Napanood sa May 1 episode ng Inagaw Na Bituin kung paano inialay ni Eduard ang kanyang buhay para malayo ang kanyang mag-inang sina Belinda (Sunshine Dizon) at Anna (Kyline Alcantara) sa masamang plano ni George (Gabby Eigenmann).
Pumanaw man ang kanyang character, masaya pa rin si Marvin.
Aniya, “How lucky I am to have something that makes saying goodbye so hard. Paaalam. Salamat sa suporta. At pagmamahal.”