
Excited na ang Kapuso comedian na si Tekla na i-showcase ang kanyang acting sa kauna-unahang TV series na kanyang kabibilangan, ang upcoming romantic-comedy na Inday Will Always Love You.
Siya ang matalik na kaibigan ng bida na gagampanan ni Kapuso star Barbie Forteza, “Best friend ako ni Happylou. Ang pangalan ko dito ay si Kimberlou. Typical na bakla na masayahin. Siyempre, parating positive ‘yung vision niya.”
Very thankful ang komedyante sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng Kapuso network, “Ito ang kauna-unahang big break sa akin so kailangan kong paghandaan, pagpaguran at talaga kailangan [ipakita ko na] worth it ito. Siyempre, kailangan [kong] mag-improve, para malaman ang other side ko [na] hindi lang [ako pang] comedy. I can [also] be a good actor.”
Tampok ang kuwento ng kiligserye sa Queen City of the South at sakto dahil Cebuano si Tekla, “Ang karakter ko dito [ay] swak na swak kasi I’m Cebuano. Most of [the] eksena siguro [ay] may twist ng Bisaya accent. [Focus na lang ako sa] tamang [atake] sa eksena [at] kung paano siya i-deliver.”
Excited na rin siyang itampok ang Cebu kung saan nanggaling ang kanyang pamilya, “I love Cebu. ’Pag sinabing Cebu, lechon. Isa sa mga pride ng Cebu ang kanilang lechon. Talagang tinatangkilik ng [mga tao] all over the Philippines [pati ang] tourist spots at saka ‘yung [mga] tao. Bongga doon sa Cebu!”
Mapapanood na ngayong Mayo ang kuwento ni Happylou sa Inday Will Always Love You.