
Napakagaling ni Tekla sa live shows at improvisations pero pagdating sa taping, akalain n’yong nangangapa pala ang Kapuso comedian!
Bumibida ang komedyante sa top-rating GMA Telebabad series na Inday Will Always Love You bilang ang matalik na kaibigan ng karakter ni Kapuso leading lady Barbie Forteza, “Best friend ni Happylou, ako si Kimberlou.”
EXCLUSIVE: Tekla gets big acting break in first TV series 'Inday Will Always Love You'
Patok kaagad ang kanyang unang kinabibilangang teleserye pero aminado si Tekla na hindi naging madali ang kanyang pagsalang sa taping.
“First time, ito talaga ang kauna-unahan na pagganap ko sa isang teleserye at sobrang nangangapa ako at kinakabahan. Sa comedy bar, kung anu-ano lang ang gagawin. Come what may. Pero ito, iba eh, sobrang na-challenge ako. Grabe!” kuwento ng aktor na malaki ang pasasalamat sa Kapuso viewers dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya sa show.