
Magbabalik-telebisyon ang drama romance fantasy series na Innamorata na pinagbidahan nina Max Collins at Adrian (Luis) Alandy.
Limang buwang tumakbo ang serye sa Afternoon Prime block ng GMA noong 2014.
Hango sa salitang Italian, ang ibig sabihin ng Innamorata ay "my love."
Umiikot ang serye kay Esperanza (Max Collins) na mayroong porphyria, isang genetic disorder kung saan nagde-develop ang pamamaga, pangangati, at pagpapaltos ng balat kapag natatamaan ng sikat ng araw.
Dahil sa rare skin disease ni Esperanza, pagkakaitan siya ng pagmamahal at kabutihan.
Gayunpaman, sa kabila nito, makakaramdam ng pagmamahal si Esperanza sa katauhan ni Edwin (Adrian Alandy), isang bulag.
Maliban kina Max at Adrian, mapapanood sa Innamorata sina Dion Ignacio, Jackie Rice, Gwen Zamora, at Renz Fernandez.
Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Pinky Amador, Michael de Mesa, Rita Avila, Lovely Rivero, at Luz Fernandez.
Directed by Don Michael Perez, ang Innamorata ay muling mapanood simula Lunes, May 24, 3:25 p.m. sa GMA.