
Isang matinik na prosecutor para sa Seoul Central District si Julius Park (Ji Sung). Hinahangaan at kinatatakutan siya dahil sa bilis niyang magdala ng hustisya para sa mga biktima at parusa para sa mga kriminal.
Pero pag-uwi niya sa bahay, panibagong side naman ang makikita sa kanya dahil isa siyang mapagmahal na asawa kay Lisa at ama kay Hannah.
Naatasan si Julius sa kaso ni Ronnie Cha (Uhm Ki Joon), isa sa mga tagapagmana ng tanyag na Chamyoung Group. Inaakusahan ito ng pagpatay sa isang babae.
Matapos ang paunang pag-iimbistiga ni Julius sa kaso, uuwi siya para ipagdiwang ang birthday ng kanyang anak.
Pag-gising niya, matatagpuan niya ang kanyang sarili sa kulungan bilang isang death row inmate! Hindi niya maalala kung paano siya nakarating dito, pero malalaman niyang siya ang prime suspect sa pagpatay sa sarili niyang asawa at anak.
Kumbinsido si Julius na hindi siya ang gumawa ng krimen kaya desidido siyang hanapin ang tunay na may sala at patunayang inosente siya.
May kinalaman kaya ang paghawak niya sa kaso ng heredero ng Chamyoung Group? Ang kanyang kaibigan at kapwa prosecutor na si Norman Kang (Oh Chang Suk) ang hahawak sa kanyang kaso, pero bakit tila mayroon itong inililihim sa kanya?
Makakahanap siya ng tulong kay Courtney Seo (Kwon Yu Ri), isang baguhang public attorney na madalas niyang maliitin noon.
Tunay nga bang inosente si Julius? Mahanap kaya niya ang tunay na may sala sa pagpatay sa kanyang pamilya?
Abangan ang Innocent Defendant, ngayong June na sa Heart of Asia, GMA!