What's on TV

"Anything is possible in love"- Natalia Moon

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 13, 2020 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: LeBron James makes clutch plays as Lakers edge Suns
Maxine Medina embraces a simple, mindful skincare routine after motherhood
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus

Article Inside Page


Showbiz News



Dahil ang role na pino-portray niya ay in love sa isang gay, tinanong namin ang Kapuso comedienne kung may chance ba in real life na magkagusto siya sa katulad ni Bernie.
BY AEDRIANNE ACAR


Inaabangan tuwing Linggo ng gabi ang kuwelang love team nila Bernie at Natalia sa Sunday night comedy offering ng Kapuso Network na Ismol Family.

Patok sa mga manonood ang chemistry nila Mikael Daez bilang closeted gay dude na hinahabol-habol ng karakter ng Australian beauty na si Natalia Moon.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa foreignay, wala itong itulak kabigin sa co-star niya sa show na si Mikael. Napakabait daw ng Kapuso actor at mabuti daw itong kaibigan sa kanya.

Saad ni Natalia, “Mabait siya talaga, guwapo siya siyempre pero kaibigan lang (laughs) I’ll clear that na (laughs)”.

Dahil ang role na pino-portray niya ay in-love sa isang gay, tinanong namin ang Kapuso comedienne kung may chance ba in real life na magkagusto siya sa katulad ni Bernie.

Tugon niya, “Hindi ko alam pero siyempre hindi [mo] kaya ma-control ‘yung puso 'di ba, so maybe you’ll’ never know.”