GMA Logo Ivana Alawi
What's on TV

Ivana Alawi congratulates 'It's Showtime' for its new home in GTV

By Dianne Mariano
Published July 10, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipino teachers face visa delays as US expands social media checks
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

Ivana Alawi


Taos-pusong nagbigay ng congratulatory message ang vlogger-actress na si Ivana Alawi sa 'It's Showtime' dahil sa bagong tahanan nito sa GTV.

Isang pasabog na dance performance ang hatid ng actress at content creator na si Ivana Alawi kasama ang girl group na Baby Dolls sa It's Showtime kanina (July 10).

Matapos ang kanyang dance performance ay binati ni Ivana ang Kapuso at Kapamilya viewers. Nagbigay din ng congratulatory message ang StarStruck alum sa It's Showtime hosts dahil sa bago nitong tahanan, ang second free-to-air channel ng GMA na GTV.

“Hello sa mga Kapuso at hello, hello sa [mga] Kapamilya. I'm so happy to be here today. At siyempre congratulations din sa bago niyong tahanan,” aniya.

Ayon naman sa social media star, abala siya ngayon sa paggawa ng vlogs at pagta-travel.

Noong June 28, matatandaan na idinaos ang grand contract signing ng It's Showtime at GTV. Present sa makasaysayang pangyayari ang executives ng Kapuso at Kapamilya Network, pati ang mga host ng popular noontime show.

Umere ang unang episode ng It's Showtime noong July 1 at nasaksihan ang pasabog na opening number ng hosts kasama ang ilang Kapamilya at Kapuso stars tulad nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Pokwang, at Mark Bautista.

Panoorin ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m., sa GTV.

Subaybayan din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!

Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.

SAMANTALA, BALIKAN ANG HIGHLIGHTS SA NAGANAP NA CONTRACT SIGNING NG IT'S SHOWTIME AT GTV SA GALLERY NA ITO.