
Isang masayang birthday celebration ang hatid ng host at OPM singer na si Ogie Alcasid sa It's Showtime mamaya.
Makakasama at makikisaya rin sina “M.V.” at “M.R.” sa hit noontime program mamaya kasama ang birthday celebrant.
“Hello, Madlang People! Mabuhay!
“OA ang saya natin ngayong Sabado sa birthday celebration na hatid ng ating King of OPM na si Kuya Ogie Alcasid with 'M.V.' and 'M.R.' sa It's Showtime!” sulat sa Facebook post ng It's Showtime.
Sino kaya ang mga makakasama ni Ogie sa kanyang birthday celebration?
Abangan lamang 'yan mamaya sa It's Showtime, 11:30 a.m., sa GTV. Mapapanood din ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes sa second free-to-air channel ng GMA sa oras na 12 noon.
Panoorin din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.