
Muling napanood ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose ngayong Huwebes, September 21, sa It's Showtime bilang guest hurado sa segment na “Tawag ng Tanghalan.”
Related content: Barbie Forteza, Sanya Lopez, Rayver Cruz, at iba pang Kapuso stars na napanood sa 'It's Showtime'
Labis ang pasasalamat ni Julie Anne sa noontime program dahil sa kanyang pagiging guest hurado muli.
Nagbigay din ng komento ang Kapuso actress-singer sa song performance ng contestant na si Marie Beth mula sa Dipolog City.
“Napakagandang kanta by Silent Sanctuary. Napaka-heartwarming ng performance mo. Ang napansin ko lang sa'yo, isa kang natural singer. Kumbaga, parang napaka-effortless lang sa'yo kapag kumakanta ka at saka palaging may element of surprise. Parang palagi akong napapa-gano'n kapag may gagawin kang bago and 'yun 'yung narinig namin kanina. Lagi kang may baon.
“At saka, interesting song choice rin kasi bihira itong kinakanta especially sa mga competitions. Ang taas ng range mo, napakalawak. Vocal dynamics, riffs, malinis lahat. 'Yung chest tone mo and head tone mo, napaka-strong, napakalinis din ng shifting. So goodluck sa iyo and good job,” aniya.
Sa huli, ang nagwagi ay ang defending champion na si Roselle Sorilla, na nakakuha ng average score na 94.5 percent.
Bago naman natapos ang programa, sinayaw ng It's Showtime hosts ang “I'll Be Missing You” dance trend sa stage kasama si Julie Anne.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.
Panoorin din ang iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox!
Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.