
Nagsanib-puwersa ang Kapuso at Kapamilya ngayong Huwebes, September 28, sa It's Showtime dahil present dito ang ilang executives ng dalawang network.0
Related content: 'It's Showtime' at GTV, pumirma na ng kasunduan
Bumisita sa set ng programa sina GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle GMA Artist Center Vice President Joy Marcelo, at Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia.
Present din sa show ang ABS-CBN executives na sina COO for Broadcast Cory Vidanes at Head of Non-Scripted Format Lui Andrada.
Isang masayang pagbati ang hatid nina Atty. Gozon-Valdes at Ms. Cory Vidanes nang batiin nila ang mga manonood gamit ang iconic line na “What's up, Madlang People,” pati na rin ang “What's up, Madlang Kapuso.”
Matatandaan na nagkaroon ng contract signing sa pagitan ng GTV at It's Showtime noong June 28.
Unang umere ang It's Showtime noong July 1 at mula noon ay iba't ibang Kapuso at Sparkle stars ang napanood sa hit noontime program tulad nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Julie Anne San Jose, Andrea Torres, Rayver at Rodjun Cruz, Ken Chan, Miguel Tanfelix, at marami pang iba.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GTV.
Panoorin ang It's Showtime at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.