GMA Logo Vhong Navarro Teddy Corpuz Jugs Jugueta
What's on TV

Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz binigyang-pugay ang Pinoy comedians sa 'Magpasikat 2023'

By Dianne Mariano
Published November 6, 2023 6:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro Teddy Corpuz Jugs Jugueta


Nagbigay-pugay sa mga yumaong komedyante sina Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz sa kanilang performance sa “Magpasikat 2023.”

Nagsimula na ngayong Lunes, November 6, ang week-long “Magpasikat 2023,” kung saan maglalaban-laban ang hosts ng It's Showtime sa pamamagitan ng performances na magpapakita ng kanilang talento.

Unang napanood ang performance ng team nina Vhong Navarro, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz, o “JTV.” Nagbigay-pugay ang tatlong hosts sa mga yumaong komedyante ng bansa.

Related content: Pinoy comedians na pumanaw na

Nagkaroon sina Vhong, Jugs, at Teddy ng dance and song performance, kung saan muli nilang ipinakilala sa viewers ang kilalang late comedians na sina Dolphy, Redford White, at Babalu.

Bukod dito, gumamit din ng artificial intelligence o AI sina Vhong, Jugs, at Teddy sa kanilang performance kung saan pinalitan digitally ang kanilang mga mukha ng mga mukha nina Dolphy, Redford White, at Babalu.

Kabilang din sa mga komedyanteng binigyang-pugay ng hosts gamit ang AI ay sina Bert “Tawa” Marcelo, Mely “Miss Tapia” Tagasa, Dencio Padilla, Myrna “Tiya Pusit” Villanueva, Joseph “Blakdyak” Formaran, Yoyoy Villame, Willie Nepomuceno, Augusto “Chiquito” Pangan, Rene Requiestas, at German “Kuya Germs” Moreno.

Ipinakita rin ang larawan ng iba pang mga yumaong komedyante gaya nina Joy Viado, Chokoleit, Elizabeth Ramsey, Ike Lozada, Tado, Palito, Panchito, Tintoy, at marami pang iba.

Naging surprise guest naman ng tatlong hosts sa kanilang performance ang veteran actress na si Nova Villa.

Ipinaliwanag ni Vhong kung bakit naisip ng kaniyang team na gumamit ng artificial intelligence sa kanilang performance.

Aniya, “Siyempre dahil 14 years na ang It's Showtime, parang lahat nagawa na natin dito. So para sa amin, nag-iisip kami, 'Ano pa ba 'yun pwede natin ipakita?' Kaya naman, naisip ng team namin na gawin ang AI dahil nauuso siya ngayon. Pero ang paggamit po ng AI ay dapat ginagamit po sa tama, hindi po sa panloloko.”

“May kaakibat na responsibility 'yung paggamit ng AI,” dagdag ni Teddy.

Patuloy pa niya, “Actually pati kami, sobrang na-a-amaze kami nung ginagawa namin siya pero naisip na rin namin na sobrang daming puwedeng mag-abuse ng technology na 'yon.”

Ayon pa sa kanila, ang kanilang performance ay tribute para sa legendary comedians ng bansa.

Ani Jugs, “Alay po namin ito sa ating mga legendary Pinoy comedians. Thank you so much.”

Bukod dito, naging emosyonal naman si Vhong sa kaniyang pagbabalik sa “Magpasikat.”

“Lahat naman tayo darating dito pero siyempre, ayaw natin na malimutan tayo ng mga tao. At isa rin, na-miss ko rin kasi 'yung Magpasikat last year. Kaya at least ngayon, nakabalik ulit ako para magpasaya ng madlang people,” saad niya.

Mapapanood naman bukas ang performance ng team nina Karylle, Amy Perez, MC, at Lassy.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., at Sabado tuwing 12 noon sa GTV.