GMA Logo Carl Guevarra The Juans
Image Source: carlchristiang (Instagram)
What's on TV

Carl Guevarra ng The Juans, dalawang beses na-ghost ng isang female celebrity

By Marah Ruiz
Published April 13, 2024 5:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Carl Guevarra The Juans


Dalawang beses na-ghost ng isang female celebrity si Carl Guevarra ng bandang The Juans.

Si Carl Guevarra, lead vocalist at keyboardist ng bandang The Juans, ang celebrity searcher sa "EXpecially For You" segment ng noontime show na It's Showtime ngayong araw, April 13.

Kasama niya dito ang longtime friend at bassist ng The Juans na si Chael Adriano.

Si Carl na rin ang nagbukas ng segment sa pamamagitan ng pagkanta ng The Juans hit song na "BTNS" o "Bakit Nangyari 'To Sa 'Tin."

Ibinahagi pa ni Carl na noong binubuo pa lang niya ang kantang ito, ipinarinig pa niya ito sa isang female celebrity na "ka-talking stage siya."

Hindi niya matapos ang awit pero nakumpleto niya ito noong hindi na nag-work out ang kanilang relationship.

Carl Guevarra of The Juans

Image Source: carlchristiang (Instagram)

Ipinaliwanag ni Carl na naudlot ang relasyon nila dahil nalaman niyang may boyfriend na pala ito.

Sosorpresahin kasi sana niya ng cookies na ipina-bake pa niya mismo sa kanyang ina ang babae. Dadalhin niya sana ang regalo sa isang show na kinabibilangan ng babae at kung saan mag-ge-guest ang The Juans.

Nang ibahagi niya ito sa kanyang kaibigan na isa ring celebrity, nagalit pa ito sa kanya dahil ito pala ang boyfriend ng babae!

Aminado si Carl na matapos ang nangyari sa kanyang ito, hindi pa rin siya natuto. Noong naghiwalay kasi ang female celebrity at boyfriend nito, muli niyang kinontak at kinausap si Carl.

"'Yun 'yung lesson ko. Red flag 'yun pero in-ignore ko because what felt good to me was more important to me during that time vs the red flags," lahad niya.

"I am not shy to admit na naging marupok ako. Kahit na may red flags na sa umpisa, noong kinausap niya 'ko ulit, nag-re-engage ako," dagdag pa niya.

Akala daw kasi ni Carl, seryoso na ang babae sa kanya dahil nakakausap na rin nito ang mga kaibigan niya at nakilala na rin ito ng pamilya niya.

Bigla na lang daw nabalitaan ni Carl na may karelasyon na pala ulit itong isa pang male celebrity.

"Nagulat ako na one time, may nakita kaming article ina-announce na she is with another person and they are official. It's out here. They are celebrated. They're a love team," kuwento ng singer.

Sa ngayon, wala raw hard feelings si Carl sa female celebrity at kaya pa niyang maging kaibigan ito. Gayunpaman, nagtanda na raw siya at hindi na niya kakayanin na magsimula pa muli na romantic relationship dito.

"The reason why we wanna protect her is because I still believe at the end of the day that she has a good heart. She's a good person. Maybe one way or another there's just something na nangyari sa kanya. Maybe that's how the industry is, maybe it's how her past heartbreak affected her," pahayag ni Carl.