GMA Logo Cianne Dominguez and Its Showtime co-hosts
What's on TV

Cianne Dominguez receives group hug from her 'It's Showtime' family

By Dianne Mariano
Published April 22, 2024 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump administration freezes child day care payments to Minnesota
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City

Article Inside Page


Showbiz News

Cianne Dominguez and Its Showtime co-hosts


Isang tight group hug ang ibinigay ng 'It's Showtime' hosts para kay Cianne Dominguez matapos mahulaan ang tamang song title sa “Karaokids.”

Masaya ang pagbabalik ng host na si Cianne Dominguez sa It's Showtime ngayong Lunes (April 22).

Related gallery: 'It's Showtime' host Cianne Dominguez's stunning and sexiest looks are definitely head-turner


Sa unang bahagi ng episode kaninang tanghali, sinabi ni Cianne na na-miss niya ang masayang energy ng programa at binati siya ng kanyang co-host na si Jackie Gonzaga ng "welcome back."

Nakatanggap din ng tight group hug si Cianne mula sa kanyang co-hosts na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Karylle, Teddy Corpuz, at Jackie matapos mahulaan ang tamang song title sa “Karaokids” segment.

“Guys, tama si Cianne! Group hug natin si Cianne!” ani Vice Ganda.

Nagpasalamat si Cianne sa kanyang It's Showtime family nang yakapin siya ng mga ito.

“At dahil d'yan, ikaw na ang maglalaro sa jackpot. Si Cianne na maglalaro sa jackpot,” biro ng komedyante.

Matatandaan na noong mga nakaraang linggo ay isang traumatic experience ang dinanas ni Cianne matapos umanong ma-harrass at tangkaing halikan siya ng isang gay bar dancer at performer na kilala bilang si Ronnie Gray sa kanyang condo unit noong gabi ng April 11.

Agad nilagay si Ronnie sa kustodiya ng Quezon City Police District 10 si Ronnie at nahaharap sa kasong Violence Against Women and Children (VAWC) at trespassing.

Related article: 'It's Showtime' host Cianne Dominguez allegedly harassed by bar dancer

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.