
Special ang episode ng noontime program na It's Showtime kahapon, May 7, dahil celebrities ulit ang sumalang sa patok nitong segment na "EXpecially For You".
Dumalo bilang searcher at ex ang dating celebrity sexy couple na sina Nico Locco at Christine Bermas.
Sa kanilang kuwentuhan kasama ang mga host, marami ang naantig sa kanilang breakup story at naging usap-usapan ang mga shocking revelation ng dalawa.
Inamin ng ex couple na isa sa mga rason ng kanilang hiwalayan ang paulit-ulit na pagiging cheater ni Nico.
Sinabi ni Christine, "I gave him a lot of chances to become a better person every day."
Dagdag din niya , "I just , I don't know I genuinely love him and he knows that and he knows na he was my first boyfriend so I gave everything to him. I was like, I gave him a lot of chances because I just want him to feel also na there's one person that can truly love him."
Kahit paulit-ulit siyang sinasaktan, ikinuwento ni Christine na gusto niya maging hope para kay Nico dahil alam niyang nasaktan noon ang kaniyang ex-boyfriend sa mga dating naka-relasyon nito.
Rason naman ni Nico, ginawa niya ang panloloko dahil sa nararamdaman niyang may incomplete feeling sa kaniyang puso. Inamin niyang madalas hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kaya instinctly hinahanap ang kaniyang missing piece sa iba.
"Hindi ko naiintindihan ang sarili ko kaya, hinahanap ko sa iba and I'm not saying tama 'yan. Pero that's a natural instinct for us as humans."
Inamin din ni Nico, "Ang hirap, i-pinpoint 'yung problem ko."
Naging usap-usapan din ng online netizens ang nakakaantig na emosyon na ipinakita ng dalawa sa buong segment.
Sa kanilang kuwentuhan hanggang sa huling paalam nila sa isa't-isa, hindi napigilan nina Nico at Christine ang kanilang mga luha.
Nag-break ang dalawa nito lang February at nagkita ulit sila nang bumisita sila sa programa.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG ARTISTAHING GUESTS NG "EXPECIALLY FOR YOU" SA GALLERY SA IBABA