GMA Logo Sonny and Christiana in EXpecially For You
What's on TV

EXpecially for You: Dalawang tao na nasobrahan sa pagmamahal, nauwi sa hiwalayan?

By Aedrianne Acar
Published May 13, 2024 5:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Sonny and Christiana in EXpecially For You


'EXpecially for You' searchee Sonny: “Mas ino-open ko po 'yung problema namin sa…”

Puwede pa rin pala mauuwi sa hiwalayan ang dalawang tao sobra-sobra ang pagmamahalan sa isa't isa.

Ito ang love story searchee na si Sonny at ex girlfriend niya na si Christiana na tampok sa 'EXpecially For You' segment ng It's Showtime ngayong Lunes, May 13.

Ang dalawa ay tubong Hagonoy, Bulacan at parehong sumasali sa mga pageant contest. Dito naging bukas si Christiana sa It's Showtime sa naging dahilan kung bakit natapos ang kanilang one-year relationship.

Kuwento ng dalaga “Yung problem po na, may problema po pala siya sa akin hindi po niya sa akin sinasabi. Sa mutual friends po niya sinasabi and nalaman ko po 'yun.

“'Yung parang nasosobrahan na po siya sa love, kasi sobrang saya po ng love life namin. Puro love, support, support each other… Hindi na po siya nakikipag-bonding sa other friends po niya , puro na lang kaming dalawa nagkakasama. Kapag po may pageants, sinusupport ko po siya. Sinusupport po niya ako. Kasi sumasali-sali po kami talaga kami sa mga pageant”

Lahad naman ng binata, “Sa sobrang pagmamahalan namin parang may kulang po,” paglilinaw niya. “Sa sobrang pagmamahalan namin, e, napagtanto ko minsan 'pag tinititigan ko siya parang hindi ko siya nakikita sa future ko.”

Sumabat si Meme Vice na sinabing, “Oh! Iba na 'yung rason mo. Kanina kasi ang sabi niya lang wala na kayo ibang nagagawa, kasi gusto n'yo lang kayo magkasama. Kasi, sobra kayong in love! Pero ngayon, ang rason mo na nagising ka isang araw na hindi na siya 'yung nakikita mo na makakasama mo sa future.”

“Kasi noong unang nakita ko siya 'yun nga po cute na cute ako sa kaniya,” sagot naman ni Sonny.

Sumunod na tanong ni Vhong Navarro sa searchee, “Ano yun para kang nagsawa?”

Dito umamin si Sonny na mas nagiging bukas siya pagusapan ang mga problema nila noon ni Christiana sa common friend nila na isang babae rin.

Aniya, “Siguro parang ganun na rin. Pero mahal ko pa rin naman po siya. Yun nga po may nagawa ako mali sa kaniya at pinagsisihan ko po 'yun.

“'Pag yun po nag-aaway kami minsan, 'tapos hindi po kami magkaintindihan. Mas ino-open ko po 'yung problema namin sa kaibigan namin na 'yun. Kasi, mas naiintindihan niya ako.

“At mas komportable po ako kausap siya.”

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES