GMA Logo Jackie Gonzaga
What's on TV

Jackie Gonzaga, naiyak sa acting challenge ni Vice Ganda sa 'Expecially For You'

By Dianne Mariano
Published May 20, 2024 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Nagbitaw ang 'It's Showtime' host Jackie Gonzaga ng emosyonal na linya sa acting challenge ni Vice Ganda: 'Sorry, ayoko na. Ang sakit, sakit na.'

Hindi napigilan na maging emosyonal ng television host na si Jackie Gonzaga sa It's Showtime kamakailan.

Sa segment na “Expecially For You” noong May 18, isa sa mga tanong ng searcher na si Sam Shoaf para sa searchees ay kung ano ang kanilang isasagot kung sasabihan sila ng kanilang minamahal na 'sorry, may mahal na akong iba.'

Dahil dito, sinubok ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang galing ng kanyang co-hosts sa pag-arte sa pamamagitan ng pagsabi ng naturang linya.

Nang si Jackie na ang magsasabi ng linya, napansin ng kanyang kapwa hosts na nagiging emosyonal na ito.

Ani ni Vice Ganda kay Jackie, “E kung iibahin mo. Ikaw 'yung makikipaghiwalay kasi nalaman mo merong iba. Paano mo sasabihin?”

Hindi naman napigilan ni Jackie na maiyak nang ibahin niya ang linya at sinabing, “Sorry, ayoko na. Ang sakit, sakit na.”

Matapos ito ay niyakap siya ng komedyante at sinabing, “Ite-tequila natin mamaya 'yan.”

Noong May 6, matatandaan na napaluha rin si Jackie sa “Expecially For You” at binigyan pa ng group hug ng kanyang co-hosts. Nagsimula ang lahat nang inimbitahan ng hosts ang isa sa featured guests na si Ryan na bumalik ng studio para siya naman ang maging searcher.

Nag-volunteer ang host-comedians na sina MC at Lassy na maging bahagi ng searchees para kay Ryan. Humirit naman si Vice Ganda na puwede ring isali si Jackie sa searchees.

Dagdag pa niya, “Sabihin mo lang sa akin kung ready ka na. Sabi ko naman sa'yo 'di ba, I will give you time.”

Nang sabihin ni Kim Chiu na tila paiyak na ang kanilang co-host, ani ni Vice Ganda, “E kasi nga wala rin closure. Charot!”

Nang makitang paiyak na talaga si Jackie ay binigyan siya ng malaking group hug ng kanyang co-hosts.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

KILALANIN SI JACKIE GONZAGA SA GALLERY NA ITO.