GMA Logo Rita Daniela
PHOTO COURTESY: missritadaniela (Instagram)
What's on TV

Rita Daniela says her guest appearances on 'It's Showtime' feel surreal

By Dianne Mariano
Published June 4, 2024 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela


Napanood ang Kapuso star na si Rita Daniela bilang guest singer sa “Expecially For You” at naging guest judge rin sa “Tawag ng Tanghalan Kids Season 2.”

Isa ang actress at singer na si Rita Daniela sa Kapuso artists na napanood sa afternoon program na It's Showtime.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng guest appearance ang celebrity mom sa “Expecially For You” segment, kung saan siya ang nagsilbing guest singer.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Rita, nagpapasalamat siya sa It's Showtime dahil sa kanilang tiwala at pagmamahal sa kanya. Ayon pa sa aktres, masaya ang kanyang karanasan na magkaroon ng guest appearances sa naturang programa.

“Surreal sa pakiramdam. Kasi dati napapanood ko lang din sila sa TV e tapos nandoon na ako sa same stage with them. I can hear their voices like talagang personal,” pagbabahagi niya.

Dagdag pa ng first-time mom, “Nakakatuwa kasi so far nakakailang balik ako sa Showtime. So thank you, Showtime for the trust and for the love.”

Hindi lamang ito ang unang beses na napanood si Rita sa “Expecially For You” dahil naging guest singer na rin siya rito noong May 14.

Bukod dito, naging guest judge na rin ang Kapuso artist sa “Tawag ng Tanghalan Kids Season 2.”

Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms