
'Pag gusto, gusto!
Ganito ang paniniwala ng pageant contestant at "EXpecially For You" searcher na si Caela dahil umamin siya sa It's Showtime hosts na siya ang nag-pursue sa ex niyang si Jay.
Ayon sa 23-year-old beauty mula Paombong, Bulacan: “Opo, kasi ako po 'yung laging sumusundo sa kaniya para lumabas kami.”
Tanong naman ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, “Ganun ka talaga o sa kaniya lang o 'pag bet mo talaga, bet mo ganun talaga. Risk taker ka, goal-getter 'yung ganun.”
“Ganun po, pag tinamaan, tinamaan po talaga… Grab the chance,” pag-amin ni Caela
Inalala rin ng searcher ang mga special na ginawa sa kaniya ni Jay noong magkarelasyon pa sila at inilarawan pa nito na “understanding” bilang partner ang ex-boyfriend.
“Sobrang understanding niya po and lagi po siya nagbibigay ng time sa akin. Kahit sobrang busy po niya sa accads, sa pag-eSK [Sangguniang Kabataan] ayun po.”
Napatanong naman si Vhong Navarro kung hindi ba naiilang nun si Jay na siya pa ang sinusundo at hatid ni Caela.
Paliwanag ng binata, “Mapilit din po kasi siya na gusto rin daw po niya ako sunduin kasi po namamasahe po talaga ako. More on commute po talaga 'pag magkikita po kami. Kaya gina-grab din niya po 'yung chance yung minsan po nagii-stroll na din po kami pagkasundo niya po sa akin.”
Para naman kay Jay, hindi niya malilimutan ang pagiging supportive ni Caela sa mga sinasalihan niya noong pageant.
Sabi niya sa It's Showtime, “Yung espesyal ko po na nakita sa kaniya o naramdaman po 'yung pagiging supportive po niya talaga nung although hindi po talaga kami magkakilala, talagang nandoon po 'yung moment na pupuntahan niya ako, kahit saan pageant ko po.”
“Gabi, umuulan, bumabagyo nandoon po siya talaga, wala po siya pinapalagpas na laban ko na wala po siya.”
RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES