What's on TV

'It's Showtime' hosts, sumabak sa whistle singing challenge

By Kristine Kang
Published July 10, 2024 2:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 16, 2025) | GMA Integrated News
P20.6M illegal drugs seized in Tagbilaran City, Bohol
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, MC, Kim Chiu


Balikan ang nakakatawang moments ng 'It's Showtime' hosts, dito.

Maraming naaliw sa kulitan ng mga host ng noontime program na It's Showtime noong Martes (July 9).

Sa singing competition segment na "Tawag ng Tanghalan," napasabak ang mga host sa pag-whistle sa isang part ng kantang "Loving You" ni Tynisha Keli.

Humanga kasi ang lahat sa pagkanta nito ng contestant na si Pia at pinuri rin siya ng mga host.

Sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan, sinabi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na kaya naman ito ng lahat basta may tiwala lang sa sarili.

"Sabi nila ang mga tao naman daw, pareho lang ang kakayahan pero iba-iba lang ang paniniwala. Hindi sila naniniwala sa kakayahan na iyon," sabi ni Vice.

Para maniwala ang mga host at audience sa sinabi niya, hinamon ni Vice ang kaniyang mga co-host sa whistle challenge.

Unang sumabak si MC na patawang humingi ng saklolo sa whistle part. Maraming natawa sa kaniyang entry at ang mga mali niyang kinantang lyrics.

"Hindi kasi sapat ang paniniwala mo, half hearted ka," biro ni Vice.

Dagdag din niya, "Kailangan muna natin ipa-try sa ibang tao kasi ako, kasi ako sigurado na ako sa sarili ko."

Sinubukan din ni Jhong Hilario ang challenge, ngunit nag-alangan siyang kantahin ang mataas na nota.

"Kaya mo 'di ba? Pero doon sa desisyon na gagawin mo na iyon, nag-dalawang isip ka," sermon ni Vice.

Marami naman ang natawa sa entry ni Kim Chiu at hindi napigilan ni Vice magkomento, " 'Yun 'yung time na dapat nagdalawang-isip ka."

Pagkatapos ng tatlo, inabangan ng madlang Kapuso ang entry ng comedian. Sa umpisa very confident si Vice sa pagkanta na may pa-echo effect pa sa kaniyang mic. Pero biglang natawa ang lahat nang sumigaw ang comedian habang kumaripas ng takbo sa likod ng stage na parang nasa horror film.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related content: Here's what went down on It's Showtime's debut on GMA