
Muling bumisita at nakisaya ang Sparkle star na si Barbie Forteza sa It's Showtime nitong Miyerkules, July 17.
Napanood ang Pulang Araw star sa iba't ibang segment ng naturang noontime variety show tulad ng “Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.”
Hiningan ng sample si Barbie nina Vice Ganda at Vhong Navarro matapos pabirong sabihin ng una na kaya niyang umawit ng iba't ibang kanta sa iba't ibang lenggwahe.
Naghatid ng good vibes si Barbie nang awitin niya nang nakakatawa ang ilang linya sa kantang “Despacito.” Matapos ito, hiningan ang Kapuso artist ng sample ng awitin niyang “Meron Ba.”
Ngunit pagkatapos kumanta lamang ng ilang linya, natigil ang performance ni Barbie dahil sa makwelang pag-gong ni Ryan Bang. Pabiro pang itinuro ng Korean hosts ang mga hurado na sila raw ang nagsabi na gawin niya iyon.
“Sabi pa naman niya magmu-mukbang daw kami,” ani Barbie.
Samantala, mapapanood na ang Pulang Araw simula July 29 sa GMA Prime. Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards. Kasama rin dito si Dennis Trillo in a very special role.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.