
Na-curious ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa couple na tampok sa "EXpecially For You" na sina Althea, na tubong Montalban, Rizal; at ex-boyfriend niyang si Arvie, na mula naman sa Bacoor, Cavite.
Nabuo ang relasyon ng dalawa dahil nagkakilala sila sa ginawa nilang dummy account sa Facebook noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Kuwento ni Althea sa It's Showtime, “Kasi po 'yung account po na 'yun, nagkakilala po kasi kami around pandemic. So, siyempre, kami po mga bored, bored po. 'Tapos nauso po 'yung dummy accounts, pareho po kami [may] dummy accounts.”
Biglang sumingit si Vice at tinanong, “Bakit, bakit nagdu-dummy accounts? Nang ba-bash kayo, 'no?"
Kasunod nito, nagpaliwanag ang actor-TV host kung paano ginagamit sa masama ang dummy accounts.
“May mga dummy accounts kasi binabayaran 'yan. Gagawa sila ng maraming account, 'tapos sila magco-comment sa bawat post. Para 'yung first 100 posts, yung first 100 posts puro nega 'yung malalagay nila, kasi 'yun na 'yung condition nun.”
Paliwanag ni Althea sa kaniyang dummy account, “Tumitingin po ako ng mga random memes na hindi dumadaan sa real account ko. 'Yung real account ko po, naka-focus kasi siya sa schools ganun. Tapos 'yung mga stuff niya doon, puro serious stuff talaga.
BEWARE: Celebrities, nagbabala tungkol sa fake social media pages
Reaksyon ni Vice sa sinabi ni Althea, “Alam mo 'pag lumabas sa algorithm mo magtutuloy-tuloy. So, meron kang pino-project na dapat ito lang lumalabas sa algorithm ko, when in fact, may iba kang gusto. Pagtatago ganun!”
“Para hindi mabukayo yung mga ibang trip mo at saka sa dummy account mo, hindi ka kilala nung mga friends and followers mo. Soy, ano man sabihin mo dun o maipapakita dun, hindi ka nila kilala kung sino ka. Maraming ganiyan, kumukuha ng lakas ng loob at tapang.”
Sinigurado naman ng "EXpecially For You" searcher na hindi niya ginamit in a negative way ang kaniyang Facebook account.
"Pero hindi ko naman po siya na-use to magbigay ng hatred parang 'yung gusto ko lang talaga matawa-tawa ganun. Pero, parang hindi ko naman siya nagamit sa negative ways," paliwanag niya sa huli.
SAMANTALA, TINGNAN ANG ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES