GMA Logo Vhong Navarro, Cianne Dominguez
What's on TV

Vhong Navarro, sinayaw ang 'Pantropiko' suot ang damit ni Cianne Dominguez

By Dianne Mariano
Published August 1, 2024 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Vhong Navarro, Cianne Dominguez


Game na game ang 'It's Showtime' host na si Vhong Navarro sa pagsayaw sa stage matapos makipag-swap ng damit sa co-host na si Cianne Dominguez.

Humarap sa isang “FUNishment” ang actor-host at “alay” na si Vhong Navarro matapos matalo si Ryan Bang sa “Bata Bata Pick” segment ng It's Showtime.

Ang naging “FUNishment” para kay Vhong ay ang pakikipagpalit ng damit sa kanyang kapwa host na si Cianne Dominguez at kailangan niya itong suotin hanggang matapos ang show ngayong Lunes (August 1).

Sa simula ng “Expecially For You” segment, sabay na lumabas sina Vhong at Cianne at ipinakitang suot ang damit ng isa't isa, na naghatid ng saya at aliw sa mga manonood at hosts.

Pinaresan ni Vhong ang pink outfit ni Cianne ng skirt habang suot ng huli ang shirt, jacket, at pants ng una.

Bukod sa kulitan moments ni Vhong kasama ang co-hosts na sina Vice Ganda at Jhong Hilario, game na game ang una sa pagsayaw ng hit song ng BINI na “Pantropiko.”

Samantala, isa si Vhong sa It's Showtime hosts na dumalo sa naganap na GMA Gala 2024, kung saan unique ang kanyang contemporary suit by Bon Hansen.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.