
Binalikan ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang pinagdaanan na matinding kalungkutan ng sariling ina matapos mamatay ang kanilang padre de pamilya.
Naaalala ng Unkabogable Star ang nangyari sa sariling magulang nang ikuwento ng "EXpecially For You" searcher na si Jennifer ang nararamdaman nitong pangungulila matapos mamatay ang kaniyang partner mahigit dalawang taon na ang nakararaan.
Sa kuwento ni Meme Vice sa past interview nito, nabaril ang kaniyang ama noong 1991.
Lahad ng award-winning Kapamilya comedian sa It's Showtime, “Nakita ko 'yun e. Nung namatay 'yung tatay ko 'yung nanay ko, mukha nang addict sa payat. Hindi pa namin nauunawaan kung ano 'yung depression nung panahon na 'yun.
“Pero 'pag pinaguusapan namin [ngayon], nung panahon na 'yun na-depress ka. Bumuto't balat, alam mo y'ung araw-araw pabalik-balik kami sa city hall dahil sa kaso ng tatay ko, para habulin 'yung pumatay sa tatay ko.” pagbabalik-tanaw ng comedy superstar.
Pagpapatuloy ni Vice, “`Tapos wala siyang trabaho, tapos nag-aaral kami. 'Yung ate ko MedTech, ate ko isa nursing. Alam mo 'yun ngarag na ngarag siya. Tapos wala siyang trabaho, ayun kawawa.”
“Kailangan nila ng support, e, nung panahon na 'yun sabi ko nga hindi ko alam kung paano kami nasuportahan. Kasi we were just all busy, living our lives as a young people di ba.”
RELATED CONTENT: CELEBRITIES WHO LOST A LOVED ONE IN 2023