GMA Logo jhong hilario
What's on TV

Jhong Hilario, nagpasalamat sa suporta ng 'It's Showtime' sa kaniyang pag-aaral

By Kristine Kang
Published August 30, 2024 5:30 PM PHT
Updated August 30, 2024 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jhong hilario


Jhong Hilario: "'It's Showtime' family maraming salamat sa suporta n'yo."

Mainit na palakpakan at saludo ang ibinigay ng It's Showtime family sa kanilang co-host na si Jhong Hilario nitong Biyernes, August 30.

Kamakailan lang, nakapagtapos si Jhong ng kaniyang master's degree sa Public Administration with highest merits sa World Citi Colleges (WCC).

Saludo ang It's Showtime hosts, lalo na ang kanilang guest na si Bela Padilla, sa pagkamit ni Jhong ng kanyang pangarap kahit madalas siyang abala sa kanyang pamilya at karera.

"Isa kang ehemplo na kahit busy, kahit marami kang ginagawa sa buhay, kahit may anak ka na, and public servant ka, kayang makapagtapos," sabi ni Bela.

Sa kanilang munting selebrasyon sa studio, nagpasalamat si Jhong sa kanyang mga propesor at eskwelahan sa pagbigay ng pagkakataon na makapag-aral muli sa gitna ng kanilang abalang schedule.

"Gusto ko lang magpasalamat sa World Citi Colleges dahil nakakatuwa lang na 'yung katulad nating busy, nabibigyan tayo ng pagkakataong matuto rin. Matutong ipagpatuloy 'yung pag-aaral and meron tayong mga eskwelahan na ganiyan tulad ng World Citi Colleges. Thank you so much maraming maraming salamat," pahayag niya.

Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kaniyang longtime partner na si Maia Azores at kanilang anak na si Sarina, na nagsilbing inspirasyon sa kanya.

"Ang mga inspirasyon ko sa buhay, ang aking pamilya: si Maia, si Sarina aking prinsesa, and of course, my Hilario family," sabi niya.

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Jhong ang kaniyang It's Showtime family para sa kanilang suporta at pag-unawa. " It's Showtime family maraming salamat sa suporta ni'yo. Minsan umaalis ako sa mga rehearsal dahil nag-aaral pero thank you sa pagiintindi," sabi niya.

Binati rin ni Jhong ang iba pang kaibigan at batchmates na nagtagumpay din sa kanilang master's degree sa Public Administration.

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, tingnan ang mga iba pang celebrities na nakapagtapos ngayong taon sa gallery na ito: