GMA Logo  Sharmaine and Danica on EXpecially For You
Source: It’s Showtime & GMA-7
What's on TV

Vice Ganda at 'It's Showtime hosts, may nakalimutang gawin sa 'EXpecially For You'

By Aedrianne Acar
Published August 30, 2024 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

 Sharmaine and Danica on EXpecially For You


Vice Ganda: “At ito ang masakit ha! Nakalimutan natin na may kasama pala siya.”

Napasarap ang kuwentuhan nina Vice Ganda at ng kanyang It's Showtime co-hosts sa episode nila sa 'EXpecially For You' ngayong Biyernes (August 30).

Hindi kasi namalayan nina Vice, Jhong Hilario, Bela Padilla, Kim Chiu, at Vhong Navarro na dapat ay tinawag din nila ang makakasama ng searchee na si Sharmaine, ang kapatid nitong si Danica.

Nang ma-realize ito ni Vice Ganda ay napahirit siya, “At ito ang masakit ha! Nakalimutan natin na may kasama pala siya.”

Kitang kita ang tawanan nina Meme, Jhong, at Bela sa pagkakamaling nagawa nila live on TV.

Sabat pa ni Vhong, “Alam mo, nagtatanong na ako sa writer. Sabi ko, 'may kasama ba?'”

Joke naman ni Vice kay Jhong Hilario: “Highest honor ka! Ano yun?”

Pagpapatuloy niya, “Jusko, kaya pala kanina ko pa naririnig, sabi ko baka sa bandana ko lang 'yun, hindi naman totoo. May naririnig ako, 'Meme, kaya [ba] today?'”

Nang tawagin nilang lima on stage si Danica, tinanong naman siya ni Vhong ng “Kanina ka pa ba dun backstage?"

“Hindi naman masyado,” nakangiting sabi ni Danica. "Hindi ko nga po alam kung tatayo o uupo na lang ako [laughs].”

Sundot na tanong naman ng Unkabogable Star, “Ano ang naging kapaliwanagan nung mga staff sa likod bakit hindi ka pa natatawag. Ano sinasabi nila sa'yo?”

“Bigyan ka na lang pamasahe, uwi ka ng Pampanga.” nakakatawang sagot ni Danica.

RELATED CONTENT: ARTISTAHING 'EXPECIALLY FOR YOU' SEARCHEES