GMA Logo Dao Ming Si on Kalokalike
What's on TV

Vice Ganda, sinabihan si Dao Ming Si na magpalaway sa TikTik

By Aedrianne Acar
Published September 11, 2024 2:44 PM PHT
Updated September 12, 2024 10:14 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Dao Ming Si on Kalokalike


Kalokalike contestant na si Dao Ming Si, naghatid ng aliw sa 'It's Showtime' viewers.

Scene-stealer sa viral segment ng It's Showtime na 'Kalokalike Face 4' ngayong hapon September 11 ang kawangis diumano ni Dao Ming Si sa hit Taiwanese drama na 'Meteor Garden.'

Matatandaan na gumanap bilang F4 leader sa popular series si Jerry Yan.

Sa 'Kalokalike,' nakilala ng Madlang Kapuso si Ryan na palaban daw ang looks tulad ng kay Dao Ming Si.

Napatanong si Vhong Navarro sa contestant nila: “Sino nagsasabi na kamukha mo si Dao Ming Si?

Sagot ni Ryan, “Nanay ko po.”

Hirit ni Meme Vice Ganda, “Yung nanay mo nagbisyo rin nung kabataan niya?”

“Nung bata kasi ako, e, kamukha ko raw talaga si Dao Ming Si. E kaso, nausog ako. 'Yung nakausog sa akin, nawala e, ” tugon ni Ryan.

May payo naman ang Unkabogable Star sa kanilang contestant, “Alam mo, 'pag ganiyan 'yung usog, dapat magpalaway ka sa TikTik. Sa ganun kahabang dila, dapat malawayan 'to e.""

“Pero 'di, feeling ko talaga kamukhang-kamukha niya si Dao Ming Si, baka may nangyari lang talagang kaunti.”

Aliw na aliw naman ang netizens sa X (DATING TWITTER) sa confidence ng Kalokalike contestant na si Dao Ming Si.

Balikan ang ang nakakataang eksena sa video na ito:

RELATED CONTENT: Trending 'Kalokalike Face 4' contestants