GMA Logo kalokalike audition
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

It's Showtime: Mag-audition na sa 'Kalokalike Face 4'

By Dianne Mariano
Published September 12, 2024 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

kalokalike audition


Ipakita ang inyong celebrity impersonation skills sa "Kalokalike Face 4" ng 'It's Showtime.'

Muling nagbabalik ang well-loved talent impersonation segment na “Kalokalike” sa It's Showtime.

Simula noong September 2, iba't ibang contestants ang nagpakita ng kanilang celebrity impersonations sa “Kalokalike Face 4” at naghatid ng saya sa madlang people.

Kamakailan ay ibinahagi ng It's Showtime ang isang larawan kung saan makikita ang mga detalye para sa auditions ng “Kalokalike Face 4.”

Para sa mga nais mag-audition, pumunta lamang sa ABS-CBN Audience Entrance, Lunes hanggang Sabado, 10:00 a.m. hanggang 4:00 p.m., at ihanda ang talent at larawan ng iyong kalokalike.

Maaari ring mag-audition online at pumunta lamang sa forms.abs-cbn.com/ItsShowtimeAudition. Bukod dito, puwede ring i-refer ang bet ninyong kalokalike! I-tag at gamitin lamang ang hashtag na #JoinKalokalike.

PHOTO COURTESY: It's Showtime

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

TINGNAN ANG TRENDING MOMENTS NG KALOKALIKE FACE 4 SA GALLERY NA ITO.