
Naghatid ng saya at good vibes ang isa sa contestants ng “Kalokalike Face 4” na si Christian, ang Toni Fowler ng Oriental Mindoro.
Makikita ang pagkakahawig ni Christian sa kilalang content creator mula sa look at outfit nito. Ipinakita rin ng Toni Fowler impersonator ang kanyang dance moves nang sayawin niya ang “Twerk It Like Miley” sa stage.
Tila nagkaroon din ng dance showdown sa pagitan ng Kalokalike contestant at komedyanteng si Negi nang sayawin nila ang “Twerk It Like Miley,” kung saan nag-cartwheel pa ang huli.
Biro ni Vhong Navarro, “Palakpakan natin, Toni Fowler and Lebron James!”
“Alam mo tawag sa barangay namin, Kagawad Lebron na,” hirit pa ni Negi.
Bukod dito, mayroong mensahe rin ang Toni Fowler impersonator para sa mga content creator.
Aniya, “Be responsible po tayo sa lahat ng pino-post natin sa social media kasi maraming mga kabataan ang puwedeng maapektuhan natin.”
Sa huli, itinanghal na isa sa daily winners ng “Kalokalike Face 4” ang Toni Fowler impersonator na si Christian, kasama ang BINI Jhoanna impersonator na si Angelicka.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Related gallery: LOOK: Toni Fowler gives house tour of Tore De Palacio