GMA Logo Kalokalike BINI Jhoanna
Sources: X, It’s Showtime, GMA Network
What's on TV

'Kalokalike' contestant na si BINI Jhoanna, trending sa social media

By Aedrianne Acar
Published September 18, 2024 3:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Allen Liwag motivated by surprise Gilas Pilipinas call-up, to join SEA Games after Benilde run
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Kalokalike BINI Jhoanna


Bumilib ang 'It's Showtime' fans at netizens sa 'Kalokalike' contestant na si Jhoanna ng BINI.

Aprubado sa BLOOMS ang contestant na si Angelicka ng Davao del Norte na sumali sa 'Kalokalike' ng It's Showtime ngayong Miyerkules, September 18.

Ang dalaga, hindi lang kahawig ni BINI Jhoanna, kundi may ibubuga rin sa pagkanta.

Trending sa X (dating Twitter) ang hit segment ng It's Showtime, pati na rin ang pangalan ni Jhoanna.

Kalokalike

Kalokalike

Source: X (social media site X), It's Showtime & GMA-7

Sabi ng isang netizen, “Infairness ang galing ng Kalookalike ni Bini Jhoanna and ang ganda pa ng boses!!”

Post pa ng isang fan, “BINI Jhoanna kalokalike hahahaha. magaling siya ha”

Samantala, ang hurado na si Tony Labrusca ay na-impress din sa Kalokalike contestant.

Obserbasyon niya kay Angelicka, “Tinitingnan kita sa monitor. Hindi ko pa ma-appreciate at first, akala ko mas papasa kang kapatid ni Jhoanna. Pero habang nagtatagal, kuhang kuha mo 'yung humble gestures, the smile, and the mannerisms.

“Kaya mas na-appreciate ko, parang Kalokalike mo nga si BINI Jhoanna.”

Sa huli, itinanghal na winner for today sina Angelicka at pati ang ka-lookalike ng vlogger na si Toni Fowler na si Christian.

RELATED CONTENT: KALOKALIKE FACE 4 CONTESTANTS