
Nakisaya ang Sparkle actor na si David Licauco nang bumisita ito sa It's Showtime ngayong Lunes (September 30).
Kasali ang Kapuso guest celebrity sa segment ng noontime variety show na “Showing Bulilit,” kung saan kakampi niya ang seasoned actress na si Gladys Reyes.
Bago nagsimula ang segment, nagbigay ng shoutout ang Pambansang Ginoo sa OPM icon at singer na si Zsa Zsa Padilla dahil sa pagsubaybay nito sa hit GMA family drama na Pulang Araw.
“Please batiin mo 'yung mama ko, palagi siyang nanonood at up-to-date siya. Zsa Zsa Padilla, pa-shoutout naman please, David,” ani Karylle.
Pagbati ni David, “Hi, Ms. Zsa Zsa Padilla. Thank you for watching Pulang Araw. God bless you.”
Samantala, bumisita sina David kasama ang co-star niyang si Jay Ortega, at ang creative production team kamakailan sa Miriam College para sa kauna-unahang campus tour ng Pulang Araw.
Related gallery: ICYMI: 'Pulang Araw' campus tour at Miriam College
Kasalukuyang bumibida si David Licauco bilang Hiroshi Tanaka sa Pulang Araw, na mapapanood sa free TV tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.