GMA Logo snoop dogg kalokalike
What's on TV

Snoop Dogg, sa kanyang impersonator, 'Wow get it nefew!'

By Kristine Kang
Published October 8, 2024 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

snoop dogg kalokalike


Binati ni Snoop Dogg ang kanyang 'It's Showtime' Kalokalike

Level up na ang patok na segment ng It's Showtime na "Kalokalike Face 4" dahil hindi lamang pinaguusapan ito sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa ibang bansa.

Malaking balita nang napansin ito ng American superstar na si Bruno Mars, na nag-post ng reel ng kanyang impersonator sa kanyang Instagram story. Mas lalo pang umingay ang segment nang makita ito ng American rapper at singer na si Snoop Dogg.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Snoop Dogg ang isang clip mula sa programa kung saan makikita ang mga nakakatawang interaksyon ng mga host at ang kanyang impersonator mula sa Tondo, Manila, na si Carlos. Kuha sa clip ang nakakatawang moment ng impersonator kung saan bigla na lamang siyang nagtagalog at sumuko na sa kanyang ginagampanang papel bilang Snoop Dogg.

"Huwag kang bibitaw! Huwag kang bibitaw!" hikayat ni Ogie Alcasid sa impersonator.

"Sabi ng mother ko pinaglihi ako kay Snoopy," biglang binahagi ni Carlos.

Mas humalakhak ang audience noong sinabi niya rin, "Pinag-isipan ko pa,e. I don't care na talaga."

Sa dulo ng video, kita rin ang kalokohan nina Vhong Navarro at ng contestant kung saan biniro ng host na kamukha rin daw ni Carlos ang "alien" ng Pilipinas na si Brod Pete.

Bagamat hindi masyadong naintindihan ni Snoop Dogg ang mga sinabi sa video, halata namang naaliw siya sa mga kulitan ng kanyang impersonator at ng It's Showtime family. Sa kanyang caption, isinulat niya, "Wow get it nefew !" kasama ang laughing at crying emojis.

A post shared by snoopdogg (@snoopdogg)

Ipinost din ni Snoop Dogg ang reel sa kanyang Instagram story, na nagresulta sa maraming views mula sa kanyang followers. Maraming nakakatawang komento ang naiwan ng fans sa kanyang post, kadalasang puro laughing emojis o kaya naman ginawan ng parody names ang "Kalokalike" contestant, tulad ng "Snoop Taga Log" o "Snoop Cat."

Kabilang sa mga nagkomento ay ang Filipina actress na si Dawn Zulueta, na tinawanan ang "Snoopy story" ni Carlos.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga naging trending na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: