What's on TV

Kanta ni Mikee Quintos na 'Senyales', dedicated para kay Paul Salas

By Aedrianne Acar
Published October 10, 2024 1:39 PM PHT
Updated October 10, 2024 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO issues SCO against motorcycle rider for inappropriate behavior
4 nabbed; alleged gold ore, P9M equipment seized in Surigao City
Grill, Fry, and Impress: The kitchen upgrade every home cook needs

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos and Paul Salas


Sparkle actress-singer na si Mikee Quintos, may trivia tungkol sa relasyon nila ni Paul Salas nang mag-guest sa 'It's Showtime.'

Espesyal ang opening number ng high-rating noontime show na It's Showtime ngayong Huwebes (October 10) dahil kinanta ng Sparkle actress-singer na si Mikee Quintos ang single niya na “Senyales.”

Kinompose at inareglo ni Natasha L. Correos ang kilig song na ito ni Mikee.

Kuwento ng Kapuso actress sa It's Showtime hosts, dedicated ang “Senyales” para sa kaniyang boyfriend na si Paul Salas.

Lahad niya, “Totoo, kay Paul Salas po para talaga 'yang kantang 'yan. Kasi, three years ago nung nag-meet kami ni Paul sa show, we did a show together isang teleserye. Puro paramdam!”

“Hinintay pa talaga ako 'yung umamin. Bakit ba ganun yun? Ako talaga ang unang umamin. So, dun inspired ang kuwento ng kanta ng Senyales. Ilang senyales pa ba 'yung kailangan ko iparamdam sa 'yo, bago mo maramdaman gusto kita,” pagpapatuloy ni Mikee

Mikee Quintos promotes single Senyales

Mikee Quintos promotes single “Senyales” / Source: It's Showtime

Nagkasama noon sina Mikee at Paul sa serye na The Lost Recipe taong 2021 at naging parte rin ang sweet couple ng primetime series na The Write One (2023) na pinagbidahan naman nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Inimbitahan din ni Mikee ang mga Madlang Kapuso na suportahan ang kaniyang single. “Sana po ma-stream n'yo ang kanta kong 'Senyales.' It's available on all streaming apps. Itong cover art na nakikita n'yo ngayon. BTS yan galing sa show kung saan kami nag-meet ni Paul, picture namin dalawa yan.”

“So sana po enjoyin n'yo 'yung kantang yan. Kung hindi kayo makaamin sa mga crush n'yo i-send n'yo na lang 'yung kanta.”

Panoorin ang guesting ni Mikee sa It's Showtime:

RELATED CONTENT: Mikee Quintos and Paul Salas's kilig moments