GMA Logo It s Showtime hosts
What's on TV

It's Showtime hosts, binalikan ang kanilang pinaka-memorable 'Magpasikat' performance

By Faye Almazan
Published October 16, 2024 2:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

It s Showtime hosts


Ano'ng 'Magpasikat' performance kaya ang pinakatumatak sa mga host ng 'It's Showtime'?

Binalikan ng mga It's Showtime hosts ang pinaka-tumatak sa kanila na 'Magpasikat' performances sa kanilang ika-labinlimang taong anibersaryo.

Para kay Jugs Julueta ay memorable pa rin para sa kanya 'yung stage nila nina Karylle at Teddy Corpuz noong 2013, kung saan sila rin ay tinanghal na kampeon.

Ayon kay Jackie Gonzaga ay gusto rin niya ang 2013 performance nina Karylle, Jugs, at Teddy.

“Nagmarka talaga 'yun na, 'Ah, [It's] Showtime Magpasikat, ganyan pala 'yun,'” ani Jackie.

Samantala, memorable naman kay Ryan Bang ang 'Magpasikat' performance nila ni Jhong noong 2022 kung saan nag-champion sila.

“Grabe 'yung saya ko. Sobrang happy, hindi ko makalimutan. Nasa kwarto ko pa 'yung champion [check],” kuwento niya.

Naging memorable naman para kay Vhong Navarro ang performance nila nina Jugs at Teddy last year kung saan nagbigay pugay sila sa mga Pinoy comedians.

“Pa'no nga ba kung wala na tayo, pa'no tayo maaalala ulit? Kaya napag-isipan na gawin 'yun,” ani Vhong.

Para kay Ion Perez naman ay memorable ang performance nila nina Jhong Hilario at Kim Chiu last year, kung saan sila ang nanalo.

Favorite rin ni Vice Ganda ang performance nila Ion dahil “very personal” ito para kay Ion.

“Proudest moment niya yun eh at proudest moment ko rin,” sabi ni Vice.

Ayon rin kay Vice ay hindi niya malilimutan ang first 'Magpasikat' performance niya.

“It was just pure fun when it all started. Ngayon, iba na siya, e. Pataas na nang pataas 'yung bar,” sabi ni Vice.

Ayon kay Vice ay ginagawa nila ito hindi lang para sa madlang people at sa kanilang mga sarili kundi maging sa kanilang mga staff.

“Sila talaga yung pinaka-pagod, pinaka-umiiyak, pinaka-heartbroken kaya pag nananalo kami, masayang-masaya kami pero mas grabe yung pagdiriwang nila. Kaya inaalay din namin ito. Huhusayan naming lahat para sa madlang people at para sa staff namin na nagpapakahirap at nagpapakahusay,” ani Vice.

Magaganap ang 'Magpasikat 2024' simula October 21 hanggang October 25 sa It's Showtime.