GMA Logo Carlos Yulo
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Carlos Yulo, thankful na naging bahagi ng 'Magpasikat' performance ng Team Vice, Karylle, at Ryan

By Dianne Mariano
Published October 22, 2024 11:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: NLEX blows past San Miguel to maintain spotless record
Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail

Article Inside Page


Showbiz News

Carlos Yulo


“Maraming, maraming salamat po sa opportunity po na napa-experience n'yo po sa akin 'yung ganitong moment.” - Carlos Yulo

Napanood ang two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa “Magpasikat” performance ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan sa It's Showtime nitong Lunes (October 21).

Matatandaan na ang performance ng nasabing grupo ay tungkol sa mga kuwento ng pag-asa.

“Ako si Carlos Yulo. Kahit hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko, naniwala ako at umasa na makakamit ko ang ginto. Kaya sana, samahan n'yo po ako sa panalangin na maging ligtas ako at sa mga susunod kong laban para sa bayan. At sana maibahagi ko ang kaalaman ko sa mga susunod na henerasyon ng mga batang nangangarap,” ani ng voice-over ng Filipino athlete habang siya'y lumabas sa stage.

Nagpasalamat ang Unkabogable Star kay Carlos dahil sa pagiging parte ng kanilang konsepto sa kabila ng busy schedule nito.

“Maraming, maraming salamat. Ang dami niyang ginagawa pero naisingit niya 'to tapos nagre-rehearse po siya, nagsu-shoot siya ng video. Thank you very much, sobra niyang cooperative at salamat dahil pinili mo rin 'tong konsepto at sinabi mong malapit ito sa puso mo,” ani Vice Ganda.

Labis din ang pasasalamat ni Carlos na naging bahagi siya ng “Magpasikat” performance ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan.

“Maraming, maraming salamat po sa opportunity po na napa-experience n'yo po sa akin 'yung ganitong moment. Thank you so much po. Ikaw po 'to lahat, Lord, ikaw po 'to lahat. Maraming, maraming salamat po,” pagbabahagi niya.

Bukod kay Carlos, kabilang sa guests ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan ay ang P-pop boy group na SB19, actress Awra Briguela, at iba pa. Tampok din dito ang mga kuwento ng pag-asa ng mga ordinaryong tao.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.