
May pa-teaser ang team ng It's Showtime host na si Vhong Navarro para sa kanilang “Magpasikat 2024” performance ngayong Miyerkules, October 23.
Ang Team V.I.D.A na binubuo nina Vhong, Ion Perez, Darren Espanto, at Tiyang Amy Perez ang magpapa-wow sa mga Madlang Kapuso ng kanilang natatanging pagtatanghal para sa 15th anniversary ng hit noontime show.
Sa Instagram post ni Darren, ipinakita niya ang ilan sa naging preparasyon nila para sa “Magpasikat.”
Kung maalala n'yo na kinailangan ng OPM heartthrob na kumuha ng X-ray test last week dahil na rin sa ginagawa nilang intense training para sa kanilang anniversary performance.
Pero sinigurado naman ng former The Voice Kids finalist sa kaniyang fans sa isang post sa X na maayos ang kaniyang lagay at wala sila dapat ipag-alala.
Marami naman netizens at celebrities ang looking forward na mapanood na ang Team V.I.D.A mamaya sa It's Showtime.
Noong 2023, ang trio nina Jhong Hilario, Kim Chiu, and Ion Perez at itinanghal na Magpasikat 2023 grand champion.
RELATED CONTENT: IT'S SHOWTIME MAGPASIKAT 2024 TEAMS