GMA Logo Vice Ganda, MC, Lassy
PHOTO COURTESY: It’s Showtime (YouTube)
What's on TV

Vice Ganda, proud sa kanyang mga kaibigan na sina MC at Lassy

By Dianne Mariano
Published October 23, 2024 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, MC, Lassy


“I am very proud to be your best friend,” ani ng Unkabogable Star na si Vice Ganda kina MC at Lassy.

Marami ang namangha sa buwis-buhay na performance ng Team Ogie, Kim, MC and Lassy sa ikalawang araw ng “Magpasikat 2024” sa It's Showtime.

Nitong Martes (October 22), ipinakita sa performance ng nasabing team ang pagpapahalaga ng pagpapahinga at pag-aalaga sa sarili.

Matapos ang kanilang performance, sinabi ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na siya ay proud sa kanyang dalawang kaibigan at kapwa komedyante na sina MC at Lassy.

Matatandaan na naging madamdamin ang performance ng dalawa at marami ang namangha nang naglambitin sila sa isang malaking cube prop.

“Ako, personally, I'm very proud of the both of you. Alam ko ang nangyayari sa mga buhay nila. Kaming tatlo, alam namin ang nangyayari sa buhay ng isa't isa at alam ko kung gaano kaganda 'tong dalawang taong 'to at napakarami nilang na-achieve sa buhay,” ani Vice Ganda.

Patuloy niya, “At hindi rin nila kaya 'yon, MC at Lassy. Kung alam lang nila ang mga pinagdaanan pero pinagtagumpayan ninyo, kahit sila sasabihin, 'Ay, di namin kaya 'yan.' And I'm very proud of you. I am very proud to be your best friend.”

Ngayong Miyerkules, mapapanood ang "Magpasikat" performance ng Team Vhong, Amy, Darren, at Ion.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.