
Ilang oras bago ang kanilang “Magpasikat 2024” performance, umamin si Anne Curtis sa post niya sa X na matindi ang kaba niya sa mga mangyayari.
Ka-grupo ng “Pambansang Dyosa” ang mga OPM rock stars na sina Teddy Corpuz at Jugs Jugueta. Nakatakda sila mag-present ngayong Huwebes, October 24.
Sa post ni Anne kagabi, sinabi niya sa X na: “Ahhhhh magpasikat na namin tomorrow! I'm so nervous!”
May sumunod na update ang It's Showtime host at sinabi nito ngayong umaga sa Instagram Story na hindi sila nakapag-rehearse dahil sa isang technical glitch.
Aniya, "Team no sleep! We didn't get to rehearse or do a run through today due to a technical glitch. Please pray everything works out for us today!"
Source: annecurtissmith (IG) & annecurtissmith (X)
Kung papalarin ang team ni Anne, susundan nila ang grupo nina Jhong Hilario, Kim Chiu, at Ion Perez na itinanghal last year bilang Magpasikat grand champion.
RELATED CONTENT: IT'S SHOWTIME MAGPASIKAT 2024 TEAMS