GMA Logo Team Ogie, Kim, MC, and Lassy
What's on TV

Team Ogie, Kim, MC, and Lassy emerges as 'Magpasikat 2024' champion

By Dianne Mariano
Published October 26, 2024 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Team Ogie, Kim, MC, and Lassy


Congratulations, Team Ogie, Kim, MC, and Lassy!

Nagwagi ang team nina Ogie Alcasid, Kim Chiu, MC, at Lassy bilang champion sa “Magpasikat 2024,” na parte ng 15th anniversary ng It's Showtime.

Ngayong Sabado (October 26) ay inanunsyo sa nasabing noontime variety show ang resulta ng kompetisyon.

Matatandaan na ang performance ng Team Ogie, Kim, MC, at Lassy ay tungkol sa pagpapahalaga sa sarili at kahalagahan ng pagpapahinga. Nanalo sila ng PhP300,000, na mapupunta sa kanilang chosen charity.

Second place naman ang Team Jhong, Jackie, at Cianne, o JJC. Ang kanilang napanalunan na PhP 200,000 ay ido-donate sa kanilang napiling charity organization.

Samantala, ang Team Anne, Jugs, at Teddy, o AJT, ang nagwagi bilang third place. Nanalo sila ng PhP 100,000 at ito ay mapupunta sa kanilang chosen charity.

Ang mga hurado ng “Magpasikat” ngayong taon ay sina Sparkle star Gabbi Garcia, Kapamilya actor Donny Pangilinan, actress-beauty queen Alice Dixson, Director Rory Quintos, at former president of ABS-CBN Freddie “FMG” Garcia.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG IT'S SHOWTIME SA GALLERY NA ITO.