GMA Logo pipay kalokalike
photo by: Pipay FB
What's on TV

Social media star Pipay, nag-react sa kanyang 'Kalokalike'

By Kristine Kang
Published November 6, 2024 11:32 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

pipay kalokalike


Pipay sa kanyang impersonator: "Hindi ako 'yan. Kumpleto ang daliri niyan bading."

Maraming artista na ang nakakapansin sa patok na segment ng It's Showtime na "Kalokalike Face 4." Mula sa mga lokal na celebrity hanggang sa kilalang international stars, marami ang natuwa at nagbigay ng suporta sa kanilang trending impersonators sa programa.

Sumali rin sa kulitan ang TikTokerist at vlogger na si Pipay, na may nakatatawang reaksyon sa impersonator niyang si Edward mula sa Makati City.

Sa kanyang Facebook page, nag-live pa ang social media star nang saglit upang magbigay ng komento sa contestant. Sa simula pa lang ng stream, kitang-kita na ang aliw ni Pipay habang nanonood sa telebisyon.

"Wait lang, talagang nagulat ako dito, e. Talagang nanonood ako ng It's Showtime. Saglit, ate," sabi ni Pipay habang papalapit sa kanyang telebisyon.

Pag-ikot ng camera, kita na nanonood si Pipay sa Kalokalike impersonator na si Edward. "Bakit naman may paggaya kay bading?" patawang tanong ni Pipay habang nakaturo sa contestant. "Ate, hindi na ganyan buhok ko ngayon," dagdag niya.

Marami rin ang natawa nang pinanood muna ni Pipay ang panayam ni Edward at sabay nagbigay ng mga komento.

"Hindi ako 'yan! Kumpleto ang daliri niyan bading," biro niya.

"In fairness, ka-face ko siya diyan nu'ng ginawa ko iyan sa Cebu," komento niya habang pinapanood ang kanyang Kalokalike.

Pakuwela ring kinumpara ni Pipay ang bibig ng impersonator sa kanya, nililinaw na hindi ganoon ang kanyang bibig.

"Ang OA naman ng bibig niya, sis. Nasasara ko naman 'yung akin," hirit niya. "Nasasara ko, te. Pero saglit lang kasi mapupunit, e."

Napaisip din si Pipay kung talaga bang Kalokalike niya ito o kung hawig lang ang kanilang ngipin. Ngunit todo-suporta siya sa impersonator at sinabi pang, "'Pag itong anak ko hindi n'yo pinanalo, bahala kayo diyan!"

Tila nakinig naman ang madlang Kapuso at hurado dahil nagwagi si Edward sa faceoff kasama si Pia Alonzo Wurtzbach-Jauncey ng Makati City na si Glenn.

Ang reaksyon ni Pipay ay itinuloy din sa isang reel, kung saan nagbigay pa siya ng iba pang makukulit na komento sa contestant. Ngayon, umabot ito ng lagpas 800,000 views at 26,000 reacts sa kanyang social media.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang mga naging trending at nagwagi na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: