
Naglaban-laban na ang ikalawang batch ng semifinalists sa “Kalokalike Face 4” ng It's Showtime ngayong Martes (November 19) para makapasok sa ultimate face-off ng naturang segment.
Related gallery: Trending 'Kalokalike Face 4' contestants
Isang pangmalakasang performance ang hatid ng Ariana Grande ng Makati City na si Dane nang awitin niya ang kantang “7 Rings” ng naturang American popstar. Sinundan naman ito ng Steve Harvey ng Quezon City na si Jose at ipinakita niya ang kanyang hosting at singing skills.
Matapos ito, ipinamalas naman ng Lovi Poe ng Pasig City na si Katrice ang kanyang aktingan sa drama at vocal prowess nang awitin ang “Espresso” ng American artist na si Sabrina Carpenter.
Ipinakita naman ng Kathryn Bernardo ng Antipolo City na si Irene ang kanyang acting skills at humataw pa sa dance floor. Sumunod naman na nag-perform ang impersonator ni Daniel Padilla mula sa Quezon City na si Jerome at ipinamalas niya ang kanyang talento sa aktingan at pag-awit.
Pagkatapos nito, ipinakita ng Carlos Yulo impersonator na si Andres ang kanyang gymnastic moves sa stage. Bukod dito, kumasa rin ang contestant sa “Maybe This Time” trend.
Sa huling bahagi ng segment, nagwagi ang impersonators nina Ariana Grande, Daniel Padilla, at Carlos Yulo dahil sila ang nakakuha ng pinakamataas na average scores mula sa hurados, at sila ay pasok sa ultimate face-off ng “Kalokalike Face 4.”
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.