
Good vibes ang hatid ng actress-host na si Vice Ganda sa kanyang latest YouTube vlog kasama ang phenomenal P-pop boy group na SB19.
Masayang nakachikahan at nakakulitan ng Unkabogable Star ang miyembro ng award-winning group na sina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin.
Related gallery: The breakthroughs of Kings of P-pop SB19
Sa kanilang pag-uusap, binalikan ni Vice Ganda ang "Magpasikat" 2024 ng kanyang team, kung saan kabilang ang SB19 sa special guests.
Nagpasalamat ang It's Showtime host sa five-member group dahil sa kanilang pagiging bahagi ng Team Vice Ganda, Karylle, at Ryan sa “Magpasikat 2024.”
“Salamat sa pagsama n'yo sa amin sa 'Magpasikat.' Ang laking bagay nung ginawa n'yo. Not just for my group, but for the audience. Proud ako talaga doon, proud ako doon sa ginawa natin. 'Yun 'yung kahit kailan nila mapanood, hindi siya maluluma,” sabi ni komedyante.
Matatandaan na inawit ng SB19 ang bagong bersyon ng kanilang kanta na “Liham” para “Magpasikat 2024” performance nina Vice Ganda. Inilahad naman ng seasoned comedian na ang SB19 mismo ang nagboluntaryo na baguhin ang lyrics ng “Liham” para umayon sa tema ng kanilang performance.
Panoorin ang vlog ni Vice Ganda sa video sa ibaba.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.