GMA Logo darren espanto
What's on TV

Ryan Bang, pinagtripan ang formal look ni Darren Espanto

By Kristine Kang
Published January 17, 2025 4:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

darren espanto


Biro ni Ryan Bang kay Darren Espanto: "[Ipa-deliver] ko 'yung gong"

Kilala sina Ryan Bang at Darren Espanto sa kanilang kulitan at positive energy sa fun noontime program na It's Showtime.

Kasama ang iba pang host, lalo na ang Chinita Princess na si Kim Chiu, araw-araw silang naghahatid ng saya at pag-asa sa madlang Kapuso. Madalas pa ay game silang sumali sa asaran at bardagulan na ikinatutuwa ng marami sa audience at online.

Pero kahit off-camera, tuloy pa rin ang kulitan ng mag-bespren sa isa't isa.

Kamakailan lang, maraming netizens ang napatawa ng Asia's Pop Heartthrob sa kanyang ibinahaging asaran nila ni Ryan.

Sa kanyang unang Instagram story, nag-post si Darren ng kanyang charming Pinoy look na nakasuot ng Barong Tagalog. Ito raw ang kanyang OOTD bilang isang invited singer para sa isang kasal.

Ngunit ang kanyang charming post ay nauwi sa tawanan nang pinagtripan ito ng It's Showtime oppa. Sa kasunod na Instagram story, ibinahagi ni Darren ang screenshot ng kanilang chat kung saan inaasar ni Ryan na pwede raw siyang mag-gong sa "Tawag ng Tanghalan."

"[Ipadeliver] ko 'yung gong bespren," biro ni Ryan.

Game naman nakisakay si Darren sa biruan, "Ako muna mag-gong bukas, bespren? Okay lang?"

Dagdag din ng singer sa story, "Napaka mo, Bespren! Wedding 'to! Hindi 'Tawag ng Tanghalan'! HAHAHA"

Photo by: darrenespanto IG

Samantala, ginanap na ang huling araw ng "Tawag ng Tanghalan: The School Showdown: Final Examination" upang malaman kung sino ang pasok sa ultimate finals na gaganapin bukas, January 18. Ang gong-ambassador nitong Biyernes, January 17, ay walang iba kung hindi si Ryan Bang na nakasuot ng pormal na barong.

Habang ang Asia's Pop Heartthrob naman ay masayang nagpahinga sa isang holistic wellness resort kung saan masaya siyang lumangoy sa pool, kumain ng masasarap na pagkain, at makita ang kagandahan ng kalikasan sa paligid.

Kilalanin pa si Darren Espanto sa gallery na ito: