GMA Logo Christian Bautista
Photo by: itsShowtimeNa (X)
What's on TV

Christian Bautista, hinarana ang Madlang Kapuso sa 'Hide and Sing'

By Kristine Kang
Published January 24, 2025 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Christian Bautista


Marami ang kinilig sa performance ni Christian Bautista sa 'It's Showtime!'

Isa na namang guest celebrity ang umuwing wagi sa bagong musical segment ng It's Showtime na "Hide and Sing."

Noong Huwebes (January 23), ang mga nakihula sa fun noontime show ay ang talented actors na sina Pepe Herrera at Jerald Napoles.

Sa unang round pa lang, nahulaan na nila kung sino sa tatlong tampok na performers ang totoong Filipino artist na active sa showbiz industry.

"Mukhang 'yung number one si JK," hula ni Pepe.

"Sa ngayon hindi ko pa rin sigurado pero sige doon ako sa isa sa Ben & Ben (number one)," sabi ni Jerald.

Nang pinakanta isa-isa ang TagoKanta singers, agad nilang nahulaan nina Pepe at Jerald kung sino ang guest artist.

"Si number one, siya na talaga si number one," siguradong sabi ni Pepe.

"Walang iba kung hindi si Christian Bautista!" sabay-sabay nilang sinagot.

Hindi nagtagal at naibunyag na ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang nasa likod nga ng mask at hood ng TagoKanta number one.

"Thank you so much for welcoming me back!" masayang bati ni Christian.

Naghatid naman ng kilig ang Kapuso singer nang hinarana niya ang madlang people ng kanyang kantang "The Way You Look at Me." Lumapit pa nga ito sa kanyang fans para kantahan sila nang malapitan.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Balikan ang grand reveal ni Christian Bautista at iba pang TagoKanta performers sa "Hide and Sing" dito: