GMA Logo Anne Curtis, Its Showtime
PHOTO COURTESY: annecurtissmith (Instagram)
What's on TV

Anne Curtis, bakit biglang na-miss ang kanyang 'It's Showtime' family?

By Dianne Mariano
Published February 12, 2025 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Head coach LA Tenorio activated for Magnolia; Andrada, Abis also get green light
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis, Its Showtime


Alamin ang reaksyon ng actress-host na si Anne Curtis sa pabirong hirit ng 'It's Showtime' family sa kanya.

Punong-puno ng good vibes ang hatid ng noontime variety show na It's Showtime tuwing tanghali.

Sa recent episode ng naturang programa, may birong hirit ang hosts sa kanilang kasamahan na si Anne Curtis bago nagsimula ang laro sa segment na “Ansabe.”

“Tyang [Amy], 'di ba sa Sexy Babe nandoon na si Anne? Siya 'yung hawak nina Ion e,” tanong ni Vhong Navarro sa co-host na si Amy Perez.

“Hanggang dito ba naman, nandiyan pa siya?” dagdag na biro niya at tinuro ang gumagalaw na lip effects ng “Ansabe” logo sa LED screen.

“Ay siyempre! Nandiyan siya kasi nami-miss natin,” ani Tyang Amy.

Dagdag na hirit pa ni Vice Ganda, “Tingnan mo nga naman oh. Paganyan-ganyan, sumusweldo pa 'yan.”

Sa X, isang Filipino user ang nag-post ng naturang video clip ng kulitan ng hosts at ibinahagi ito ni Anne at nag-react.

“Hahahahaha! I super miss my showtime family na!!!!!” sulat ng actress-host.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG STUNNING LOOKS NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO.