GMA Logo Anne Curtis
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

Anne Curtis returns to 'It's Showtime' with surprise birthday prod

By Dianne Mariano
Published February 23, 2025 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

9 alleged ex-terrorists surrender in Maguindanao del Norte
US Homeland Security orders pause of DV1 visa program
Pop Mart opens first permanent PH store

Article Inside Page


Showbiz News

Anne Curtis


Tuwang-tuwa ang actress-host na si Anne Curtis sa kanyang surprise birthday number sa 'It's Showtime.'

Bonggang-bongga ang pagbabalik ng actress-host na si Anne Curtis sa It's Showtime nitong Sabado (February 22).

Nakatanggap ang Filipino-Australian beauty ng sweet birthday messages at bouquet of flowers mula sa kanyang co-hosts. Matatandaan na ipinagdiwang ni Anne ang kanyang 40th birthday noong February 17.

Matapos ito, nagulat ang celebrity mom nang isang surprise birthday number ang ipinagawa sa kanya ng kapwa hosts.

Game na game naman si Anne sa pagkanta at pagsayaw sa studio kasama ang It's Showtime family. Ipinamalas din ng aktres ang kanyang pagbirit at nagsilbing “backup singers” pa niya sina Rea Gen Villareal, Lorraine Galvez, at Kapuso singers Jessica Villarubin at Mariane Osabel.

Nakisaya rin ang Madlang People sa pangmalakasang performance ni Anne.

Panoorin ang masayang late birthday celebration ni Anne Curtis sa video na ito.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

SAMANTALA, TINGNAN ANG TIMELESS BEAUTY NI ANNE CURTIS SA GALLERY NA ITO.