GMA Logo Sexy Babe contestant
PHOTO COURTESY: GMA Integrated News (YouTube)
What's on TV

'Sexy Babe' contestant na hindi pamilyar sa COMELEC, inimbitahan ng komisyon

By Kristine Kang
Published March 4, 2025 1:28 PM PHT
Updated March 4, 2025 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Sexy Babe contestant


Ayon sa '24 Oras' report, inimbitahan ng Commission on Elections (COMELEC) ang “Sexy Babe” contestant na si Heart Aquino upang maipaliwanag hindi lamang kung para saan ang ahensya, kundi pati kung paano boboto ang mga kabataan.

Nag-viral kamakailan ang recent episode ng It's Showtime dahil sa naging sagot ng isang contestant sa segment ng programa na “Sexy Babe.”

Noong Biyernes (February 28), tinanong ang “Sexy Babe” contestant na si Heart Aquino kung ano ang kanyang mensahe sa Commission on Elections (COMELEC) at aniya'y hindi siya masyadong knowledgeable sa nasabing ahensya.

Sinabi rin ng contestant na wala umano silang telebisyon at hindi rin madalas na lumalabas sa kanyang social media feed ang COMELEC.

Ayon sa report ng 24 Oras, nalulungkot ang komisyon ngunit nauunawaan ang naging sagot ng “Sexy Babe” contestant.

“Nalulungkot po ako, parang failure po ang COMELEC, parang po kami ang may kasalanan do'n. Parang hindi po namin napapahayag mabuti sa sambayanan kung sino kami dahil maaari siya ay representasyon ng marami pang mga Pilipinong hindi po nalalaan 'yung ating mga ginagawa. Kaya ang gusto naming alamin, bakit,” pagbabahagi ni COMELEC chairman, Atty. George Garcia.

Ayon pa sa report, inimbitahan ng nasabing komisyon si Heart sa kanilang opisina upang mapagpaliwanagan at malaman kung saan sila posibleng nagkulang.

“Baka sakaling matulungan niya kami upang sa pamamagitan niya bilang isang kabataan ay siya mismo ang magamit namin upang maipahayag, hindi lang kung sino ang COMELEC, kung hindi paano ba boboto ang kabataan sa darating na halalan,” ani ni Atty. Garcia.

Sinisikap pang kuhanan ng pahayag ng 24 Oras si Heart Aquino ukol dito. Panoorin ang buong report ng 24 Oras sa video na ito.

Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.