What's on TV

Performance ni Arvery Lagoring sa 'Tawag ng Tanghalan,' pinusuan ng netizens

By Kristine Kang
Published April 4, 2025 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos says assets of firms, 2 solons linked to flood control mess now frozen
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Arvery Lagoring in Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbakan 2025


Isang madamdaming awitin ang inihandog ni Arvery Lagoring sa 'It's Showtime' stage!

Patuloy pa rin ang mainit na tapatan ng contenders sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbakan 2025."

Nitong Huwebes (April 3), puno ng emosyon at matinding bosesan ang labanan ng tatlong natitirang grupo. Para sa Pangkat Alon, muling nagbalik sa tanghalan ang TNT School Showdown alumna na si Arvery Lagoring.

Marami ang humanga sa madamdaming mensahe ng inawit ni Arvery sa kantang "Gaano Kadalas ang Minsan." Pati ang mga host ay tila nadala sa emosyon ng kanyang performance.

"Para sa isang 17 year old girl na hindi pa nakakaranas ng relationship, paano mo nagagawang ganoon kasakit o ganoon kalungkot, ganoon ka emosyonal ang isang kanta, 'di ba? Parang ano'ng nangyari sa katawan mo, paano nangyari iyon?" tanong ni Vice Ganda.

"Kasi po 'yung mga song na kinakanta ko po, iyon po 'yung strength ko po na ma-express ko po 'yung naramdaman ko po," sagot ni Arvery.

"Damang dama mo, e. Kasi 'di ba lalo na 'pag nakikinig ka ng kanta, may notes kang mami-miss kung na-flat ba siya or na-sharp. Pero hindi mo puwede ma-miss ang totoong damdamin na dumarating sa iyo. Hindi mo mami-miss iyon, kasi dumideretso iyon [sa puso]," sabi ng comedian. "Derektang-rekta na umabot siya sa amin, nakarating."

Maging ang foreigner sa madlang audience ay naantig sa awitin ni Arvery. Kahit hindi masyadong naintindihan nito ang Tagalog, ramdam pa rin nito ang lalim ng mensahe.

Pinag-usapan din online ang performance ni Arvery, mula sa livestream comments hanggang sa social media posts. Marami ang natuwa sa pagbabalik niya sa labanan at ipinakita ang suporta sa batang singer.

Naging trending pa ang kanyang performance sa X (dating Twitter) kasama ang kanyang nakatapat na contender na si Charizze Arnigo.

Sa huli, iginawad si Arvery bilang daily winner at nadagdagan ang puntos ng kanilang pangkat.

Kabilang ang teen singer noon sa natalong Pangkat Amihan noong unang weekly final round. Ngunit nabigyan siya ng pagkakataon na makabalik sa entablado matapos na ma-disqualify si Marco Adobas.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang highlights ng 'Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbakan 2025' media conference, dito: