GMA Logo Kim Chiu
PHOTO COURTESY: chinitaprincess (Instagram)
What's on TV

Kim Chiu celebrates 35th birthday with 'It's Showtime' family

By Dianne Mariano
Published April 22, 2025 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Decked in Santa hats and ribbons, Argentine golden retrievers chase world record
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Chiu


Labis ang pasasalamat ng actress-host na si Kim Chiu sa kanyang 'It's Showtime' family at sa lahat ng bumati sa kanyang 35th birthday.

Masayang ipinagdiwang ni Kim Chiu ang kanyang kaarawan kasama ang It's Showtime family ngayong Martes.

Matatandaan na ang araw ng mismong kaarawan ng actress-host ay noong April 19 at ipinagdiwang niya ito sa Dubai. Sa pagbabalik ni Kim sa noontime variety show, binigyan siya ng birthday cake, bouquet of flowers, at masayang pagbati ng kanyang co-hosts.

Labis ang pasasalamat ng Kapamilya star sa kanyang It's Showtime family at sa lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan.

Kwento pa ni Kim, nakapag-relax at nakapagpahinga siya noong Holy Week.

Aniya, “Recharge, refresh, revitalize, nag-social media detox, fasting, and praying. I love it.”

Nang tanungin ni Vice Ganda si Kim kung paano siya nag-fasting, sagot ng aktres, “Tinanggal ko 'yung mga paborito kong kainin like mga meat, mga kanin, carbs. Tinanggal ko rin 'yung social media. Just me and the Lord.”

Ayon pa kay Kim, kasama niya ang kanyang pamilya nang ipagdiwang ang birthday niya.

Samantala, nagkaroon ng stunning birthday photoshoot si Kim sa desert sa Dubai.

RELATED GALLERY: Kim Chiu serves Sahara Desert princess realness in birthday photoshoot

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.