
Punong-puno ng saya at good vibes ngayong Lunes (April 28) dahil nakisaya ang ilang celebrities at social media stars sa Vice Ganda dance craze sa It's Showtime.
Sa opening ng naturang noontime variety show kanina, pinangunahan ng Unkabogable Star ang kanyang dance craze gamit ang track na “Crazy” ng K-pop girl group LE SSERAFIM.
Spotted sa mga nakisaya sa dance craze na ito ang “Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025” resbakers at ilang “KalokaLike” grand finalists. Kumasa rin dito ang It's Showtime hosts, Showtime Online U hosts, Showtime kids, at Showtime Babydolls.
Sumali rin sa saya at sayawan sina Yassi Pressman at Awra Briguela. Nakisaya rin sa studio ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina AC Bonifacio, Ashley Ortega, Kira Balinger, Charlie Fleming, Michael Sager, at Emilio Daez, pati na rin ang housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya via online.
Nakihataw din ang ilang Pinoy Big Brother Gen 11 housemates sa Vice Ganda dance craze.
Bukod dito, kumasa rin sa trending dance craze ang ilang social media stars na sina Toni Fowler, Vince Flores, Euleen Castro, Kevin Montillano, Krissy Achino, Whamos Cruz, Antonette Gail Del Rosario, at Bong Gonzales, pati ang P-pop groups na BGYO, G22, Wrive, AJAA, at VXON.
Samantala, agad na nag-trend sa X ang #ShowtimeCrazyMonday at natuwa ang netizens sa naturang dance craze.
PHOTO COURTESY: X
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, TIGNAN ANG VERSATILE STYLE NI VICE GANDA SA GALLERY NA ITO.